Harlene hindi na itinatago ang bagong BF

April 08, 2019
Harlene Bautista

IT was in early October last year nang ianunsyo ng dating mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista ang kanilang paghihiwalay after being together for almost 20 years with five children.

Naging mutual ang paghihiwalay nina Romnick at Harlene pero hindi na sila nagbigay ng detalye sa naging cause nito.

Sinasabing may iba nang karelasyon ngayon si Romnick na hindi taga-showbiz at mukhang hindi naman nagpahuli ang dating misis nitong si Harlene na ang boyfriend umano ngayon ay ang dating kasamahan sa Thursday group ng now-defunct “That’s Entertainment” show  na si Neil Eugenio na isa umanong successful businessman ngayon.

Ang dalawa ay magkasamang dumating sa gabi ng Sinag Maynila Awards na ginanap sa ballroom ng Conrad Hotel in Pasay City nung nakaraang Linggo, April 7 kung saan isa sa mga presenter ang actress-producer. Magka-holding hands ang dalawa nang dumating sa venue, isang indikasyon na may relasyon na sila.