Hayaan nang lumigaya si Vice kay Ion

March 22, 2019

OF all people, si Madam Charo Santos pala ang unang nakatuklas sa relasyon nina Vice Ganda at Ion Perez. At kakutsaba pa niya si Bea Alonzo.

Naganap ito sa isang taping ng GGV kung saan ipino-promote ng dalawang actress ang pelikula nilang “Eerie.”

Hindi inaasahan ang pambubuking nina Madam Charo at Bea sa relasyon nina Vice Ganda at Ion.

At umamin agad si Vice Ganda.

Ganoon din si Ion. Aniya: “Ang hirap palang magsinungaling. Kaya, aamin na rin ako."

In fact, 'yung napanood noong nakaraang Linggo sa GGV kung saan binuking din ni Angelica Panganiban si Vice tungkol kay Ion ay luma na. Mas nauna sina Madam Charo at Bea.

Posibleng nagdalawang isip ang mga nasa likod ng GGV na ipalabas ang unang pag-amin nina Vice Ganda at Ion.

Hindi naman siguro masama kung umain na sila sa kanilang relasyon.

Hayaan na nating lumigaya nang bonggang-bongga si Vice , buhay naman niya 'yan kahit pa sabihin ng ilang bashers na pera lang ang habol sa kanya ni Ion.

(Paano na si Ate Girl?--Ed.)