Heart at Chiz, nag-staycation sa wedding anniversary

February 17, 2019
Heart Evangelista

KITA sa aura ni Heart Evangelista ang sobrang kaligayahan nang magkasunod na mag-celebrate ng kanyang 34th birthday at fourth wedding anniversary nila ni Senator Chiz Escudero kamakailan.

Sa kanyang latest Instagram posts, pula kung pula ang kulay ng aktres, kundi sa lipstick, sa pananamit.

Katwiran ng Kapuso actress, “Date nights in red... This color is actually very special to me because Lady in Red is the song my husband and I shared our first dance to.”

“Dream come true” kung i-describe ni Heart ang kanyang mister, dahil “answered prayer” daw para sa kanya ang pagiging may-bahay ng senador.

“How lucky am I that  God seemed to craft a perfect person for me to spend my life with? To be with someone I connect to so passionately, deeply and fully -- it feels unreal until today,” caption naman niya sa pinost na wedding picture nilang dalawa.

Sa isang sosyaling hotel sa Makati sila nag-staycation at ani Heart, sapat na iyon para magkaroon sila ng rest and relaxation habang umiinom ng kanilang paboritong red wine.