Heart Evangelista nagbigay ginhawa sa mga taga-Sorsogon

April 12, 2020
Heart Evangelista
Heart Evangelista

MAHIRAP tawaran ang ginagawang pagtulong ng Kapuso actress na si Heart Evangelista sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 outbreak. Katuwang ang kanyang asawang si Chiz Escudero, nag-donate sila ng bed foams at unan sa mga kababayan nila sa Sorsogon na stranded sa checkpoints sa probinsya dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine.

“My husband @escuderochiz and I are sending these soon with love. More bed foams from @uratexpremium and pillows donated by our friends for our dear Sorsoganons to give them comfort after being stranded at checkpoints,” pahayag ni Heart sa kanyang latest Instagram post. Dagdag pa ni Heart, hanggat kaya niya ay hindi siya magsasawang tumulong sa mga nangangailangan, “I check my messages every morning and afternoon and I plan to do this for as long and as much as I can. I just want to be able to share the blessings that I have received to those who need it more.”