Heart fills up 'emptiness' by living in style?

January 14, 2019
Heart Evangelista

HEART Evangelista really lives in style.

Kaliwa't kanan ang shopping abroad. Kitang-kita naman ito sa kanyang Instagram stories. Sa katunayan, isa siya sa mga local celebrity na may malawak na koleksyon ng mga signature shoes at bags. Such collection seems enough to feed a village.

Parang lagi siyang may tag price. Pati nga sa pagbili ng itlog, todo-porma siya. Kaya naman viral ngayon sa social media ang memes na todo-porma para mamalengke tapos may caption na kung anu-ano. Umani din ng iba't ibang reaksyon ang Hermes scarf na ipinasuot niya sa kanyang alagang aso. Buti pa raw ang aspin, naka-Hermes. Na ilang sikmura na ang kayang itawid sa gutom.

Wala namang problema ito dahil  pera naman niya ito. Pero bilang asawa ng isang senador, sana naman maging sensitive ang aktres. Sabi nga ni Kris Aquino sa kanyang IG post, "sa pulitika bawal ang Chanel, Gucci, etc. kasi hindi tama dahil hindi pa mayaman ang Pilpinas." Pananaw ito ng Queen of All Media kung bakit ayaw pa niyang pasukin ang pulitika. Heart must take the cue from Kris. For all we care about her ostentatious display of wealth. She should act with propriety being a politician's wife.

Sabi nga ng isa naming judgmental friend, "Heart lives an empty life" kaya raw kung anu-ano na lang ang pinaggagagawa nito sa buhay. But despite all the bashings hurled against her, Heart seems to live up to the monicker "crazy rich Asian" to the max. Mukhang ito ang gusto niyang image sa ngayon. Especially now that she is in China displaying her eye-popping OOTDs. May kaugnayan ba ito sa balitang kasama siya sa main cast ng Hollywood movie, "China Rich Girlfriend" na sequel ng hit na "Crazy Rich Asians"? Just asking..

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya ang sinuman o concerned parties na tinutukoy o nasusulat sa kolum na ito para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com