Heart laging kasama ang adopted aspin

August 19, 2020
Heart Evangelista
Heart Evangelista

HINDI maikakaila na isang proud animal rights advocate ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Makikita sa kanyang Instagram posts ang mga litrato ng kanyang adopted aspin na si Panda na palagi niyang kasama. 

Hindi rin nagsasawa si Heart na himukin ang kanyang fans at followers na subukang mag-adopt ng rescued at abandoned pets.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang litrato kasama ang isang stray cat. At kung magkakaroon nga raw siya ng superpower, gusto niyang mabigyan ng tahanan ang lahat ng stray cats at dogs.

Aniya, “What may seem small to you can mean the world to them. Met this angel a while ago and I can't stop thinking about her. If I had a super power, it would be to give every single stray cat and dog a loving home. To anyone out there looking for a pet, I hope you consider adopting instead. You will change their lives, and they will also change yours.”