Heart mahirap tapatan ang pagiging international fashion icon

July 05, 2019
Heart Evangelista

AT the rate things are going, wala na talagang mas bobongga pa kay StarStruck Season 7 council Heart Evangelista. Siya lang ang Pinoy celebrity na panay ang rampa sa Paris Fashion Week. Invited siya sa fashion events na ito na dinadaluhan ng iba’t ibang celebrities mula sa iba't ibang bahagi ng mundo.

Kasama pa nga niya sa France ang kanyang stepdaughter na si Chesi. Happy place ni Heart ang Paris kaya walang dudang sulit na sulit ang pagbiyahe niya sa City of Lights. Ayon pa sa Instagram post ni Heart, “My smile knowing that I’m in the land of croissants, macarons, and more!”  

For sure, nakapag-recharge na ng husto si Heart pagbalik niya sa bansa para  sa pagpili ng Final 14 hopefuls ng StarStruck ngayong gabi.