Heart tumutulong pero walang balak pumasok sa pulitika

August 09, 2020
Heart Evangelista

MARAMI ang humahanga sa Kapuso actress na si Heart Evangelista katuwang ang kaniyang team sa patuloy na pamamahagi ng tulong sa probinsya ng Sorsogon kung saan governor ang asawa niyang si Chiz Escudero. Bukod diyan ay active rin si Heart sa pagpo-promote ng iba’t ibang local products ng Sorsogon.

Sa kanyang Instagram account, makikita ang kanyang mga larawan sa iba't ibang magagandang bahagi ng Sorsogon, pati na rin ang mga local product at ang mga taong gumawa nito.

Makikita rin ang mga pamamahagi niya ng tulong sa mga mahihirap na kababayan ng kanyang mister.
 
Kaya naman may mga netizen na nagtatanong sa aktres kung kung may balak daw ba siyang pasukin ang pulitika pagdating ng araw. Marami sa mga asawa ng mga pulitiko na pagkatapos maubos ang term ng kanilang mister, sila naman ang pumapalit. And, marami naman sa kanila ang nakakapag-perform bilang mahusay na public servant. Some are even better than their husbands. 

Pero simple at diretso ang sagot ni Heart, "Politics is not for me. I can help without that kind of power."

Malalaman natin kung 'yan pa rin ang sasabihin niya balang araw.