Hiwalayang Winwyn-Mark tahimik

February 15, 2019
Winwyn Marquez and Mark Herras
Winwyn Marquez and Mark Herras

NITONG araw ng mga puso lamang inamin ng dating beauty queen-actress na si Winwyn Marquez na hiwalay na sila ng kanyang boyfriend of almost three years na si Mark Herras bago pa nagtapos ang 2018.

Ayon sa dalaga ng former couple na sina Alma Moreno at Joey Marquez, wala umanong third party sa hiwalayan nila ni Mark at mutual umano ang naging desisyon nilang dalawa.  Malalim umano ang dahilan pero ayaw na itong idetalye ni Winwyn.

In fairness naman kay Mark, naging tahimik lamang ito sa paghihiwalay nila ni Winwyn na kung hindi pa nagsalita ang huli ay hindi malalaman ng publiko na break  na pala sila.

It is also a common knowledge na may five-year-old daughter si Mark na si Ada sa isang nagngangalang Diane Evangelista.

Bukod kay Winwyn, naging ex-girlfriend ni Mark ang co-winner niya noon sa season 1 ng reality-based talent show na Starstruck ng GMA na si Jennylyn Mercado maging si Ynna Asistio, anak ng aktres na si Nadia Montenegro sa nasirang dating mayor ng Caloocan na si Boy Asistio.