Howie nilagpasan ang 'death sentence'

April 17, 2020
Howie Severino

ANG award-winning broadcast journalist at isa sa executives ng GMA na si Howie Severino ay isa sa mga Covid-19 survivors at siya ang Patient 2828.

Matapos ang pitong araw na pakikipaglaban sa deadly virus sa loob ng pagamutan, masuwerteng nalagpasan ni Howie ang itinuturing ng iba na `death sentence’.  Dahil dito, buong tapang na isinulat ni Howie ang kanyang naging karanasan sa GMA New Online para higit na maunawaan ng mga mamamayan ang sakit na ito at kung ano ang nararanasan ng mga taong kinakapitan nito sa loob ng pagamutan.

Bukas, araw ng Sabado, April 17 ay mapapanood sa special episode ng “iWitness,” ang longest-running documentary TV program ng GMA at sa buong Pilipinas ang sariling documentary ni Howie na pinamagatang “Ako si Patient 2828” na si Howie rin mismo ang host na kung saan ay may interview din siya sa isa pang Covid-19 survivor, ang actress na si Iza Calzado.  Ang iba pang host ng programa ay sina Sandra Aguinaldo, Kara David at Atom Araullo.

Si Howie who is Horacio Gorospe Severino in real life ay nagtapos na magna cum laude ng History degree sa Tufts University in Boston, Massachusetts and took his master’s degree sa University of Sussex sa United Kingdom kung saan siya nagtapos ng Environment Development and Policy.

Habang siya’y nasa Boston ay nakilala niya si dating Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino na naka-exile noon sa Amerika.  Pagkatapos ng Aquino assassination nung 1983, umuwi ng Pilipinas si Howie at siya’y nagturo sa kanyang alma mater, Ateneo de Manila  High School Department at naging anti-Marcos activist.

Naaresto noon si Howie kasabay nina Direk Lino Brocka at isa pang Marcos critic and stage and filmmaker na si Behn Cervantes.  Magkakasama silang nakulong sa Fort Bonifacio sa loob ng walong araw.

Bago naging broadcast journalist ng GMA si Howie ay naging newspaper reporter at magazine writer siya nung 1988.  Naging co-founder din siya ng Philippine Center of Investigative Journalism (PCIJ).

Si Howie ay anak ni dating Ambassador Rodolfo Severino, Jr. na naging Secretary-General ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) nung 1998 to 2002 at ni Tati Gorospe, dating school teacher at administrator.

Howie is married to Ipat Luna na isang environmental lawyer at TOYM awardee.  Ang mag-asawa ay may isang anak, ang 18-year old na si Alon Roberto.

It was in 2009 nang ma-appoint si Howie bilang Vice-President for Multi-Media Journalism ng GMA gayundin ang kanyang pamumuno ng GMA News Online and GMA Network’s news website.

Nung 2011 ay naging co-anchor si Howie ni Kara David sa morning TV show ng GMA News TV, ang “News To Go”.

In May  2014, he was also appointed as Vice-President for Professional Development ng GMA.