Hyun Bin hinihintay na sa Pilipinas

May 29, 2020
Hyun Bin
Hyun Bin

ALTHOUGH nasa new normal pa lamang ang Pilipinas maging ang iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa Covid-19 at marami pa ring restrictions na ipinatutupad including mass gatherings at social or physical distancing, excited pa rin ang mga fans ng Korean heartthrob  na si Hyun Bin, ang lead actor ng hit TV series na “Crash Landing On you” na makarating ito ng Pilipinas bilang pinakabagong celebrity endorser ng Bench maging ng telecom company na Smart Communications, Inc.

Si Hyun Bin shot to stardom nang kanyang gawin ang romantic-comedy series in 2005, ang “My Name is Kim Sam Soon” na pinagtambalan nila ni Sun-ah Kim who played the title role.  Ang nasabing serye ay ginawan ng local adaptation ng GMA sa pamamagitan ng “Ako si Kim Sam Soon” na pinagbidahan ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez at kung saan naman niya nakatambal si Mark Anthony Fernandez at pinamahalaan ni Dominic Zapata.

Pagkatapos gawin ni Hyun Bin ang “My Name is Kim Sam Soon” ay ginawa niya ang hit movie na  “Millionaire’s First Love.” 

Ang “My Name is Kim Sam Soon” ay sinundan ng romantic-fantasy series na “Secret Garden” in 2010, ang crime-thriller na “The Swindler” in 2017 ang fantasy-drama na “Memories of the Alhambra” in 2018 at “The Negotiation” on same year bago ang “The Crash Landing On You” nung isang taon.

Gumawa rin siya ng horror movie na “Rampant” in 2016.  Tumanggap din siya ng mga papuri mula sa mga kritiko dahil sa kanyang naging performance sa melodrama movie na “Late Autumn” na naging kalahok sa 61st Berlin International Film Festival.

Nung March 7 2011  ay pansamantalang nawala si Hyun Bin nang siya’y pumasok sa military service na mandatory sa mga kabataang lalaki sa South Korea.   He was discharged on December 6, 2012 at tumanggap siya ng citation bilang exemplary soldier. Taong 2013 naman nang muli niyang ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.  Ginawa niya ang pelikulang “The Fatal Encounter” in 2013 but was released the following year.  Taong 2015 naman nang gawin niya ang drama series na “Hyde, Jekyll, Me” kung saan siya gumanap sa papel ng may split personality disorder.

Taong 2016 naman nang i-set-up ni Hyun Bin ang sarili niyang management agency, ang VAST Entertainment na pagkalipas ng tatlong taon ay naging pag-aari ng Kakao M subsidiary.

Si Hyun Bin ay nagtapos ng kanyang pag-aaral majoring in Theater Studies sa Chung-Ang University in 2004 kung saan din niya tinapos ang kanyang master’s degree in 2009.