‘I respect her’

March 01, 2019

Ang maiksing sagot ni Phillip Salvador na, “She’s still the mother of my son. I respect her and will always respect her for the rest of my life. That is my statement.”

Inilabas ng ABS-CBN News ang sagot na ’yun ni Phillip nang makausap ang media sa campaign rally pa rin ni senatoriable Bong Go.

Wala pang reaction si Kris sa sinabi ni Phillip sa statement niya sa mga isyung inilabas ni Kris sa kanya, lalo na ang may kinalaman sa anak nilang si Joshua.

Speaking of Kris, curious ang lahat kung anong project ang pinagsamahan nila ni Tony Labrusca.

Wala kasing binanggit si Kris kung anong project, basta pinost lang ang picture nilang magkasama with caption.

“The night must end with me saying THANK YOU to tony labrusca... i was impressed with you in La Luna Sangre but you made it effortless for me to portray your mother today.

“I cannot say more except -- you have my most sincere gratitude for making our 1 scene feel so REAL.”

Sumagot si Tony ng, “Thank you for allowing me to work with you Ate Kris. I really appreciate how kind you were. Something I can finally cross off my bucket list.”

Parang hindi pelikula ang ginawa nina Kris at Tony dahil sa clue ni Kris na “1 scene.”

So, ibig sabihin, isang eksena lang iyon.