Ina Feleo nakakaranas ng anxiety at stress

April 15, 2020

BUNSOD ng COVID-19 outbreak, inamin ni Ina Feleo na nakararanas siya ng anxiety attacks at stress. Sa isang Instagram post, sinabi ni Ina na effective ang pagwu-workout at daily yoga bilang panlaban dito. Aniya, “Haven't been skipping my daily yoga (self challenge for April). Being in the moment, and finding your breath helps a lot with anxiety and stress.”

Sey ng netizens sa ‘Bilangin Ang Bituin Sa Langit’ actress, inspiring daw ang workout videos niya at  dahil sa kanya ay namo-motivate rin silang maging active at fit ngayong nasa ilalim ang Luzon ng enhanced community quarantine.