Ina ni Gabby pumanaw na

August 10, 2020
Gabby Concepcionand KC Concepcion
Gabby Concepcion, daughter KC Concepcion and Gabby’s mo Lourdes Arellano-Concepcion

ULILA nang lubos ang 55-year-old actor na si Gabby Concepcion at ang kanyang tatlong kapatid na sina Jojo, Dinky at Rina matapos sumakabilang-buhay kahapon, Monday morning (August 10)  ang kanilang inang si Lourdes Arellano-Concepcion sa edad na 79.  Walang detalyeng inilabas kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Ang ama ni Gabby na si Rolly Concepcion ay sumakabilang-buhay nung September 2008 dahil sa atake sa puso. He was 72 when he died and six months matapos bumalik ang actor galing sa kanyang pamamalagi sa America sa loob ng 13 taon.