Irene may mga apo na kay Gabby

March 23, 2019

MAY mga apo na pala ang actress na si Irene Celebre sa kanyang panganay na anak na si Gabby Eigenmann  sa yumaong actor na si Mark Gil na sumakabilang-buhay nung September 1, 2014.

Si Gabby at misis nitong si Apples Arizabal-Eigenmann ay may dalawang anak na parehong lalaki na sina Matthew at William.  In-adopt na rin ni Gabby ang dalawang anak ng kanyang wife na si Apples sa dati nitong naka-relasyon, ang magkapatid na Josh at Gabbi.

Si Josh ay anak ni Apples sa actor na si Joko Diaz. Nagtapos na sa kanyang pag-aaral in college si Josh sa De la Salle – College of St. Benilde last year na parehong dinaluhan nina Gabby at Apples.
    
Si Gabby ay panganay sa anim na mga anak ng yumaong actor na si Mark Girl.  Sumusunod sa kanya si Sid Lucero (Timothy Eigenmann) at Maxine Eigenmann sa modelong si Bing Pimentel (first wife of Mark), Andi Eigenmann (sa aktres na si Jaclyn Jose) at si Stephanie sa second wife nitong si Maricar Jacinto.

Ang mag-inang Irene at Gabby ay parehong aktibo pa rin sa showbiz.