Irish BF kasama ni Glaiza na na-lockdown

April 29, 2020
Glaiza de Castro

ANG 32-year-old Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro ay inabutan ng ECQ (enhanced community quarantine) sa kanyang resthouse in Baler, Aurora kasama ang kanyang parents na sina Boy at Cristy Galura at Irish boyfriend na si David Rainey.  As early as March 12 ay naroon na sila sa kanyang resthouse in Baler para sana magbakasyon pero doon na rin sila inabutan ng lockdown.

Ayon kay Glaiza, sa pagpasok pa lamang umano nila ng Aurora ay minonitor ang kanilang health  ng Departent of Health, Aurora chapter dahil galing sila ng Maynila at umabot umano ito ng 14 days na siyang required quarantine days.  Ito’y dahil na rin sa pag-iingat  ng LGU ng Aurora na mapanatiling Covid-free ang nasabing lugar.

Habang nasa resthouse ay natutunan ni Glaiza, her boyfriend and her parents ang manual labor by cleaning the house at pati na ang pagpi-pintura na kanila namang ini-enjoy.  Kapag napapagod sila ay saka sila nagpapahinga at nanonood ng mga palabas sa Netflix.  Dito rin nakabuo ng kanta si Glaiza sa tulong ng kanyang nobyo na si David na kanilang dedicated sa mga frontliner.

Umaasa si Glaiza na kapag na-lift na ang ECQ ay makakabalik na sila ng Maynila at magre-resume na rin ang TV and movie production para makabalik na rin sila sa trabaho.  Ito rin ang longest stay sa Pilipinas ng kanyang boyfriend na si David.