Ivana at DJ Loonyo may online loveteam

April 24, 2020
Ivana Alawi and DJ Loonyo

PAREHONG internet sensations sina Ivana Alawi at DJ Loonyo.  Unknown to many, matagal nang magkakilala ang dalawa kaya kinikilig at kinaaaliwan  ng netizens ang kanilang interaction sa kanilang respective social media accounts kung saan nabuo ang kanilang loveteam.  Marami rin ang naniniwala na malamang na mauwi sa totohanan ang kanilang `harutan’ online lalupa’t pareho silang single and available.

Hiwalay na si DJ Loonyo sa kanyang girlfriend na si Garnet Kaye na isang dancer.

Si DJ Loonyo (Rhemuel Lunio in real life), 28 ay isa ring DJ, dancer and choreographer based in Hangzhou, China where he runs a dance studio bilang dancer and choreographer.  Sumikat siya nang husto dahil sa kanyang uploaded dance covers on YouTube kung saan siya may strong following with more than 1-M subscribers.

Si Ivana Alawi naman ay meron nang mahigit 6-M subs ngayon at patuloy pang tumataas at humahabol na rin siya sa singer-actress-comedienne and celebrity endorser na si Alex Gonzaga sa palakihan ng subscribers.