Iwa buntis sa pangalawang anak kay Pampi

July 24, 2020

IPINAGBUBUNTIS ngayon ng 1st runner-up ng reality talent show na “Starstruck” Season 3 alumna ng GMA na si Iwa Moto (Aileen Quimado Iwamoto) ang magiging second child ng partner niyang si Pampi Lacson (Panfilo Lascon, Jr.), ex-husband ng actress-entrepreneur na si Jodi Sta. Maria kung kanino may almost 15-year-old son ang huli, si Thirdy (Panfilo Lacson III).

Ang unang anak nina Iwa at Pampi na si Eve ay magsi-seven years old na sa darating na September.

It was in March 2011 nang mapabalita ang paghihiwalay nina Jodi at Pampi.  Kinumpirma naman ni Iwa ang relasyon nila ng dating mister ni Jodi nung early June 2012.

Bago nakarelasyon ni Iwa si Pampi ay naka-relasyon din nito ang US-based actor na si Leandro Munoz.

In a modern set up, very close sa dating Kapuso actress (Iwa) si Jodi gayundin ang anak nitong si Thirdy na panganay na apo ni Sen. Panfilo Lacson.

Samantala, after Jodi’s separation sa actor-politician na si Jolo Revilla, nanatiling single ang actress.