Iya buntis sa pangatlong anak

February 01, 2020
Iya Villania

IPINAGBUBUNTIS ngayon ng 33-year-old TV host-singer-actress na si Iya Villania ang magiging third baby nila ng kanyang husband, ang TV host-actor na si Drew Arellano.

Last January 31 ay ipinagdiwang ng mag-asawang Drew at Iya ang kanilang 6th wedding anniversary. The couple got married on January 31, 2014 sa Meditation Point, Kawayan Cove, Nasugbu, Batangas at meron na silang dalawang anak na parehong lalaki, sina Primo (3) at Leon (1).  Umaasa naman ang couple and their respective families and friends  na sana’y girl na ang dinadala ngayon ni Iya.

Bago nagpakasal sina Drew at Iya ay 10 taon silang naging magkasintahan.

Si Drew ay isinilang sa San Jose, California, USA to Filipino parents habang si Iya naman ay ipinanganak at lumaki sa Sydney, Australia also to Filipino parents na sina Ray Villania at Elena Nada Ebaler.