Iya marami ang pinabilib sa birthing experience

August 05, 2020
Iya Villania

DALAWANG linggo matapos manganak, ibinahagi ni Iya Villania ang birthing experience niya sa kanilang unica hija ni Drew Arellano na si baby Alana Lauren.

Sa latest episode ng ‘Life with the Arellanos’ vlog, mapapanood ang naging journey ni Iya sa kanyang panganganak sa panahon ng coronavirus pandemic. 

Aniya, “In celebration of our baby girl's 2nd week into this world, we thought it would be nice to share what D-day was like for us even in the middle of this pandemic. We know mamas giving birth during this time must be scared but hope this will ease you up a bit. Times may be scary but have faith and remember the beauty of what you're about to go through. I guess you can say this was also the gender reveal.”

Bumuhos naman ang messages sa comment section ng vlog at karamihan ay bilib na bilib sa pagiging chill at matapang ni Iya. Ang iba nga ay naiyak pa habang pinapanood ang video.

Samantala, balik-trabaho na rin si Iya dahil napapanood siya sa fresh episodes ng Mars Pa More mula Lunes hanggang Biyernes at 8:45am, gayundin bilang entertainment segment host sa 24 Oras news program sa GMA.