Jackie plans to stage a showbiz comeback and stay here for good

March 06, 2020
Jackie Forster
Jackie Forster

ACTRESS Jackie Forster is back in Manila with her family, her second husband,  ang  Dutch expat na si  Michel Franken, and their three kids – Jared (14), Caleigh (10) at Yohan (5).  Their last stop was in China where they  lived for almost a year but moved to Manila last December 20, 2019.

For good na ba ang stay nila sa Pilipnas?

“Not sure yet pero umaasa ako na sana magtagal na kami rito.  The kids love it here at narito rin sina Kobe and Andre (Paras, her elder sons from his ex-husband na si Benjie Paras).

Nag-iisip na rin ang husband ni Jackie na si Michel na magtayo rito ng negosyo dahil maging siya man ay napapagod na rin sa palipat-lipat ng iba’t ibang bansa with his family after a year or so.

“Nakaka-stress din.  All of us especially the kids ay kinakailangang mag-adjust sa aming new environment and culture pati na ang pag-aaral ng mga bata.  Palipat-lipat din sila ng school,” aniya.

Inamin din ni Jackie na ang pinakamahirap sa kanya at sa mga bata ay sa China because of language barrier.

“Almost one year din kami sa China,” she quips.

Sa ngayon ay nangungupahan pa muna sila sa isang big house sa isang high end exclusive subdivision in Makati at kung sila’y magtatagal dito  ay saka umano sila bibili ng sarili nilang bahay.

Nakakatuwa ang husband at tatlong anak ni Jackie dahil sanay sila sa mga gawaing bahay laluna ngayon na wala pa silang katulong sa bahay.

“When we are all home, lahat kami kumikilos including my five-year old youngest son na si Yohan,’ pagmamalaki ni Jackie.

While here, Jackie is considering of making a showbiz comeback sa tulong ng kanyang longtime friend na si Jojo Gabinete at supportive naman umano sa kanya ang kanyang husband.
    
Hindi rin ikinakaila ni Jackie na nakaranas umano siya ng depression dahil din sa kanyang mga  pinagdaanan noon na may kinalaman sa kanyang dalawang eldest sons at ang pagkakasakit ng kanyang only girl na si Caleigh na umabot ng dalawang taon at kalahati.

“Thank God I have a very understanding and supportive husband,” aniya.  “But of course, prayers ang number one na nakatulong sa akin.”

“God is good!  Caleigh is on remission from leukemiia and I got reunited with my two (elder) sons after 12 years,” deklara niya.

It was in early January 2018 when  Jackie got a surprise call from her second son (from estranged husband Benjie Paras), Kobe Paras.  At that time, Jackie’s family was  based in London.  After that surprise call from Kobe, hindi na halos makatulog at makapakali si Jackie that she asked permission from her husband  for her  to fly to  Los Angeles, California, USA kung saan dati naroon si Kobe.  Three days later ay lumipad  siya patungong Amerika and was so excited to meet, hug and bond with  her (estranged) son for three weeks.  Soon After ay sumunod din ng America ang husband ni Jackie na si Michel and their three kids na sabik ding makita at makilala ang kanilang Kuya Kobe.

“Hindi ko  maipaliwanag ang  naramdaman ko noon.  My heart was full of happiness.  Nakita ko rin ang excitement ng mga bata when they saw their kuya and my husband (Michel) was also very happy,” kuwento pa ni Jackie.

April 2018 naman nang magkita sila ng kanyang eldest son na si Andre kasama si Kobe. “Wow!  I felt complete.  Buo na ang pamilya ko at buo na rin ang aking pagkatao,” aniya.

Ngayong narito na sila sa Pilipinas, mas madalas  nang nakikita ni Jackie sina Andre at Kobe.  Kobe will also be moving in with Jackie’s family habang si Andre has his own place.

At 41, napakaganda pa rin ni Jackie at hindi nito ikinakaila na matagal na niyang nami-miss ang showbiz.