JaDine ’di pa pakakasal kahit nagli-live in na

March 12, 2019
Nadine Lustre and James Reid
Nadine Lustre and James Reid

KUNG evasive si Nadine Lustre sa topic ng pagli-live in nila ng kanyang boyfriend of more than three years na si James Reid, hindi na ito maikakaila ngayon ng Viva singer-actress dahil umamin na si James nang ito’y mag-guest last Sunday evening sa late night show ni Vice Ganda, ang “Magandang Gabi Vice”.

Official na naging mag-sweetheart sina James at Nadine (JaDine) nung February 11, 2016 at ito’y in-announce nila sa kanilang first major concert sa Araneta Coliseum, ang “JaDine In Love” na produced ng Viva Live.

Sa kabila ng kanilang live-in set-up, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pagpapakasal dahil pareho pa umano silang focused sa kanilang trabaho and they even collaborate pagdating sa kanilang singing and recording career.

Sina James at Nadine ay may magkahiwalay na project ngayon sa kanilang home studio, ang Viva. Si Nadine ang pangunahing bituin ng palabas na ngayong pelikula, ang “Ulan” which she co-stars with Carlo Aquino kasama sina Marco Gumabao at AJ Muhlach, sa direksyon ni Irene Villamor.

Si James naman ay busy ngayon sa paghahanda sa April 5 concert na “The Cr3w: Live Concert” na gaganapin sa Araneta Coliseum kung saan niya kasama sina Billy Crawford at Sam Concepcion.

Kapag magaling na ang shoulder injury ni James ay agad niyang sisimulan ang fantasy movie na “Pedro Penduko” under Viva Films minus Nadine.