Jak, ‘di pa graduate sa ‘panggagamit’ isyu kay Barbie

April 26, 2020
Jak Roberto and Barbie Forteza
Jak Roberto and Barbie Forteza

Aliw panoorin ang online tutortial ni Jak Roberto sa GF na si Barbie Forteza kung paano magluto ng Beef Salpicao.

Pati lakas ng apoy sa gas, itinuro rin ni Jak at pati kung brown na ang beef ay tsini-check niya at ang nakakatuwa, pa-comedy ang mga sagot ni Barbie na may kasama pang tili, kaya masaya.

Nasa vlog nina Barbie at Jak ang mga niluluto nilang dalawa before the lockdown at kasama itong Beef Salpicao na sa totoo lang, pati viewers natuto rin.

Obvious na between the two, mas marunong magluto si Jak at kung bibisitahin nga ang socmed niya, marami na siyang naluto.

Aminado naman si Barbie na tagakain lang siya, pero ngayon dahil kay Jak, may ilang dishes na alam na niyang lutuin, kasama itong Beef Salpicao.

Nagulat lang kami dahil matagal na rin ang relasyon nina Jak at Barbie pero, may isyu pa rin pala na ginagamit lang ng aktor ang GF na unfair kay Jak.

May sarili rin namang talent at fans si Jak and upon checking their Instagram accounts, kung may 2M followers si Barbie, 1.6M followers naman ang kay Jak.
 
Sina Jak at Barbie pala ay napapanood sa ibinalik ng GMA-7 na rom-com series na “Meant To Be” kung saan na-in love si Jak sa leading lady nila nina Ivan Doschner, Addy Raj at Ken Chan.

Wala pa silang bagong teleserye dahil hindi pa tapos ang “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday” nina Barbie at Kate Valdez, Snooky Serna at Dina Bonnevie, na inabutan ng lockdown.