Jak Roberto at Barbie Forteza sa latest vlog

April 15, 2020
Barbie Forteza and Jak Roberto

ISANG Q&A ang latest vlog ni Jak Roberto kasama si Barbie Forteza. Habang kumakain ng spicy noodles, natanong ng isang fan kung mahilig daw ba sila sa ramen. Dahil dito, kinuwento ni Jak na noong first date nila ni Barbie, sa isang ramen house sila kumain. "Actually, ako 'yung nag-introduce sa kaniya 'nung ramen 'nung first date namin,” pagbabahagi niya. “So 'nung first date namin, date na ba 'yon? 'Di namin inamin, niyaya ko lang siya manood ng movie, tapos sinabi ko na may masarap na ramen, mag-lunch tayo doon, introduce ko sa kaniya.”

Dagdag pa ni Jak, "Sabi ko papa-try ko sa kaniya 'yung ramen na 'yon, tapos after 'nun, nagustuhan na niya. Kasi may level of spicy 'eh, sabi ko 'Barbs maanghang na 'yung level three niyan. [Sabi niya,] 'Hindi, mahilig ako sa maanghang 'eh, baka mabitin ako sa anghang.' Tapos ginawang level four.” Pagkatapos daw noon, naging paborito na nila ang kumain sa mga ramen house.

Samantala, muling napapanood sina Jak at Barbie sa romantic comedy series na ‘Meant To Be’ gabi-gabi sa GMA Telebabad.