Jak at Sanya 10 ang ipinalit sa namatay na aso

April 24, 2020
Jak Roberto and Sanya Lopez
Jak Roberto and Sanya Lopez

STUCK at home man ang magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine, pero hindi malulungkot ang dalawa dahil sa mga cute at makukulit na alaga nilang aso na umabot na sa sampu.

Sa kanyang panayam sa Unang Hirit, ibinahagi ni Sanya na tig-limang aso sila ng kuya Jak niya. “Sampu silang aso kaya hindi malungkot. Masaya at magulo," kuwento ni Sanya. Ayon sa magandang aktres, nahilig sila ng kanyang Kuya Jak sa pag-aalaga ng aso mula nang may kinupkop silang stray dog. “Kaya lang nawala siya,” ayon kay Sanya. 

Ang nangyari, pinalitan nila ito hanggang maging sampu na ang alaga nilang aso.

Bukod sa pag-aalaga ng mga aso, nahihilig si Sanya ngayon sa TikTok, at pinopost niya raw ang mga masasayang videos na ito para mapagaan ang loob ng kanyang followers lalo pa na mabigat ang kinahaharap na problema ng mundo. Napapanood pa rin si Sanya tuwing gabi sa Encantadia na pansamantalang pinalitan ang Descendants of the Sun sa timeslot nito sa GMA Telebabad.