Jak successful ang birthday prank kay Barbie

August 08, 2020
Jak Roberto and Barbie Forteza
Jak Roberto and Barbie Forteza

KAKAIBA ang naging sorpresa ni Jak Roberto para sa 23rd birthday ng girlfriend na si Barbie Forteza. 

Kuwento ni Jak sa latest vlog niya, "Ang plano ko ngayon, ipa-prank ko siya na kunwari nakalimutan ko 'yung birthday niya. Alas dose na ngayon, hindi ko pa siya binabati ng birthday niya. Hindi ako nagme-message sa kanya, hindi rin ako tumatawag."

Pagdating sa bahay ni Barbie, patagong nag-set up ng camera si Jak at patay-malisyang nakipag-kuwentuhan, habang kapansin-pansin naman ang pagkabalisa ni Barbie. Maya-maya, nagpaalam si Jak na aalis para magpa-carwash. Sagot ni Barbie, "Aalis ka ulit? Pagka-carwash mo kaya, umuwi ka na lang?"

Paglabas ni Jak, kinuha lang nito ang regalo at bulaklak, saka bumalik sa loob para sorpresahin na nga ang girlfriend. 

Naiyak naman si Barbie dahil inakala talaga niyang nakalimutan ni Jak ang kanyang birthday. Sa huli, masayang nag-celebrate ng kaarawan si Barbie kasama si Jak at ang pamilya niya. Comment ng subscribers at fans nilang dalawa, sana raw ay magtagal pa lalo ang relasyon ng #JakBie.

Samantala, habang naka-taping break si Barbie para sa ‘Anak ni Waray vs Anak ni Biday,’ patuloy pa rin siyang napapanood sa rerun ng ‘Meant To Be' kasama si Jak sa GMA Telebabad.