Jake mas focused sa anak kaysa lovelife at showbiz

February 21, 2019

MARAMI ang hanga sa binatang anak ng dating Pangulo at ngayon ay mayor ng Maynila na si Joseph `Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez na si Jake Ejercito dahil ipinapakita talaga nito sa publiko ang kanyang pagmamahal sa kanyang love child, ang 7-year-old na si Ellie sa aktres na si Andi Eigenmann.

Magmula nang magkaroon ng joint custody ang estranged parents ni Ellie sa kanya ay kitang-kita kay Jake ang pagmamahal sa anak.  Mas pinagtutuunan ng pansin ni Jake si Ellie kaysa magkaroon ng bagong lovelife.

Hindi kaila kay Jake na magkakaroon na si Ellie ng baby sister o brother dahil buntis ngayon si Andi sa kanyang bagong boyfriend, ang surfing champ from Siargao na si Philmar Alipayo.

Over the weekend ay nakitang magkasama ang mag-amang Jake at Ellie sa Hong Kong Disneyland.

Magiging abala rin si Jake sa pagtulong sa kampanya para sa kanyang amang si Mayor Erap na muling tatakbo sa ikatlong term bilang mayor ng Maynila.  Kandidato rin sa pagka-konsehal ng isang distribo ng Maynila ang elder sister niyang si Jerika Ejercito at muling tumatakbo sa pagka-senador ang dalawa niyang half-brothers na sina Jinggoy Estrada at JV Ejercito.

May mga nagsasabi rin na malamang na pasukin din ni Jake ang pulitika balang araw.  

Si Jake ay nag-aral in London and took his master’s in marketing with honors sa Northumbria University in Singapore kung saan siya grumadweyt in June last year. Bukod kay Jake, his younger brother Jacob ay nagtapos ding cum laude sa Santa Cruz University in California, USA.

Samantala, marami ang nagtatanong kung bakit tila hesitant si Jake na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career.