James, itinalagang ambassador ng food security

May 26, 2020
James Reid

MAY bagong papel na gagampanan si James Reid. Ito ay ang pagiging ambassador of food security ng Department of Agriculture.

Sa Instagram post ng ex-boyfriend ni Nadine Lustre, nagpasalamat ito sa DA at sa DAR secretary sa pagtatalaga sa kanya at pagbibigay ng tiwala na kaya niyang gampanan ang nasabing posisyon.

“LETS GROOOW. Thanks for the gift,” patuloy pa ni James sa IG post, “Can’t wait to show everyone what we’ve been working on during quarantine!”

Nilagyan niya ng hashtag na #plantplantplant ang nasabing IG post.

Sa panahon ng pandemya, marami sa mga Pinoy ang natuto ng backyard farming. Maging ang mga taga-Metro Manila, na nananatili sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), nagsimula nang pag-aralan ang pagtatanim sa kani-kanilang open spaces para maging food sufficient sa gitna ng krisis.

Sa kanyang IG Story naman, pinasalamatan din ni James ang @internationalsps sa idinonate na tents para sa mga empleyado ng DA.