James nakapuno na, Sam at Billy susubukan pa

March 01, 2019

AMONG Billy Crawford, Sam Concepcion and James Reid, ang huli pa lamang ang dalawang beses nakapuno ng Big Dome (Araneta Coliseum) sa kanilang  joint concert with reel and real sweetheart Nadine Lustre, ang “JaDine Love” nung February 20, 2016 at ang “Revolution” nung nakaraang February 9, 2018.

Sa darating na April 5, 2019 (Friday), ika-8 ng gabi ay magsasama-sama sa isang major concert sina James, Sam at Billy na pinamagatang “The Cr3w: Live In Concert” with special guests Nadine Lustre, Yassi Pressman and Coleen Garcia to be directed by Paul Basinillo.  This is produced by Viva Live, ang concert production ng Viva Group of Companies.

Since pare-parehong kilala bilang singer, composer and dancer sina Billy, Sam and James, tiyak na magpapatalbugan ang tatlo in terms of singing and dancing.

Hindi ba naman naiinggit si Sam sa dalawa niyang mga kasamahan dahil although special guest din sa concert si Yassi na kinu-consider niyang kaibigan, may personal relationship sina James at Billy sa dalawa pang guests na sina Nadine at Coleen?  Sayang at break na sina Sam at Kiana Valenciano dahil maganda rin sana kung special guest din ang bunso at only girl ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano.  Hindi nga malinaw kung on speaking terms ngayon ang dating magkasintahan.  Hindi naman puwedeng pormahan ni Sam ang kapwa niya VAA artist na si Yassi dahil boyfriend umano nito  (Yassi) ang basketball player na si Jon Semira.

Loveless man ngayon si Sam, gusto muna niyang mag-focus sa kanyang career bilang singer-actor and host na maganda ang takbo ngayon.

“I’m so excited sa “The Cr3w” concert namin nina Billy and James because this is our first time to work together in a major concert,” says Sam.

Very hands on ang tatlo in terms of what’s going to happen on their concert on April 5.

“We’re so glad that Viva is giving us the free hand to choose the songs we want to sing during the concert and we’re so excited,” dugtong naman ni Billy.