Janella 'di na maitago ang bagong karelasyon

July 09, 2019
Janella Salvador

MUKHANG hindi na itinatago sa publiko ng "The Killer Bride" actress na si Janella Salvador at ng Fil-Brit singer-actor na si Marcus Paterson ang namumuo nilang relasyon. Nagsimula itong kumalat noong Marso at nakita ang dalawa na nagbakasyon sa Japan nung nakaraang May.

Ayaw kumpirmahin ni Janella ang relasyon nila ni Marcus pero sinabi ng singer-actress ang mga katagang “what you see is what you get,” na parang kumpirmasyon na rin sa kanilang relasyon.

Janella had a two-year relationship with singer-actor Elmo Magalona, pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon matapos umamin ang young singer-actress na dalawang beses umano siyang sinaktan physically ng huli.