Janice HK OFW sa 'Magpakailanman'

July 24, 2020
Janice de Belen

NGAYONG Sabado (‪July 25), kuwento ng isang OFW na nakipagsapalaran sa Hong Kong ang tampok sa 'Magpakailanman' ni Mel Tiangco.

Sa kuwento, namasukan si Mildred (Janice de Belen) bilang isang domestic helper para makapagpadala ng pera sa pamilya sa Pilipinas. Pero isang araw, nakaranas siya ng sexual harassment mula sa amo, kaya kinasuhan niya ito at nawalan siya ng trabaho. Nilihim niya sa pamilya ang kawalan niya ng trabaho at namasukan siyang basurera. Paano haharapin ni Mildred ang hamon na ito sa buhay niya?

Ang "Homeless in Hong Kong: The Mildred Perez Story," ay mapapanood ngayong Sabado sa #MPK pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA.