Janine, gustong makatrabaho si Rayver

February 03, 2019
Janine Gutierrez

Aminado si Janine Gutierrez na wish niya talagang makatrabaho si Rayver Cruz lalo ngayong nasa iisang network na sila.

“Dati kasi, akala ko, hindi kami magkaka-work ever kasi nga, Kapamilya siya, Kapuso ako. Pero ngayon na iisang network kami... actually, mas ngayon ko pa siya hindi nakikita.

“Kahit na pareho na kami ng bahay, kasi everyday siyang may trabaho,” sabi ni Janine nang makatsikahan namin sa pocket interview para sa kanyang pelikulang Elise na showing na sa Feb. 6.

’Yun nga lang, sinabi na raw agad ng GMA-7 management na hindi pa muna talaga sila pagsasamahin at mayroon nang nakalaan kay Rayver na show.

Ito nga ’yung Asawa Ko, Karibal Ko, na kasalukuyang napapanood sa afternoon slot ng Kapuso channel.

Bakit niya gustong makatrabaho si Rayver samantalang ang ibang artista ay ayaw makatrabaho ang mga dyowa nila?

“Gusto ko siyang maka-work, eh. Kasi, pinapanood ko ’yung mga teleserye niya, the last one (Bagani) and this one (Asawa Ko, Karibal Ko), nasisilip ko rin. And magaling siya, eh. And pangarap ko sana, makagawa kami ng... ’yung medyo mala-Pilipinung-Pilipino, ’yung mala-Amaya, pangarap ko ’yung ganyang show. Or kung ’di naman, parang masaya rin sana ’pag rom-com,” ani Janine.

Ang galing daw ni Rayver sa Bagani kaya parang gusto rin daw niyang makagawa sana sila ng ganu’ng tipo ng serye.

Anyway, nu’ng Sabado ng gabi ay namayapa ang ina nina Rayver at Rodjun na si Elizabeth “Beth” Cruz.

Sa Facebook post ipinaalam ng huli ang tungkol sa malungkot na balitang ito.

Ani Rodjun, “It is with sadness that we announce the passing of our beloved mother Elizabeth V. Cruz on February 2, 2019.

“The wake will be held at La Funeraria Paz, Sucat, Parañaque until February 7, 2019.

“There will be a mass there tonight (February 2) at 8:00 p.m.

“More details to follow.

“Please pray for our mom.

“Despite our grief, we celebrate her eternal Life and Happiness with our Lord Jesus Christ.”

Ang taus-pusong pakikiramay po ng People’s Tonight.