Janine rumarampa na sa international fashion scene

March 26, 2019
Janine Tugonon

KUNG ang 22-year-old Fil-Am model na si Kesley Merritt ang kauna-unayang Filipina model na rumampa sa Victoria’s Secret’s fashion event nung nakaraang taon, patuloy ding gumagawa ng pangalan sa international fashion scenes ang ilang dating beauty queens. Kasali na rito ang 2012 Miss Universe first runner-up na si Janine Tugonon (Janine Marie Raymundo Tugonon), 29.

Si Janine ay isa rin sa mga repeaters sa Bb. Pilipinas.  Atlhough she placed first runner-up sa Bb. Pilipinas in 2011 kung saan niya nakapanabayan si Shamcey Supsup, muling sumali the following year si Janine sa Bb. Pilipinas at nanalo siyang Bb. Pilipinas-Universe and she represented the Miss Universe pageant na ginanap sa Planet Hollywood Resort and Casino in Las Vegas, Nevada, USA nung December 19, 2012.  Kamuntik niyang masungkit ang korona nang siya’y maging  first runner up sa nasabing international beauty pageant. At that time, she was the only Asian na pumasok sa Top 5 ng Miss Universe at ang Pilipinas ay pumasok sa Top 5 sa loob ng magkakasunod na tatlong taon. At nung 2015 ay muling nasungkit na ng Pilipinas (sa ikatlong pagkakataon) ang korona sa pamamagitan ni Pia Wurtzbach.

Sa halip na kanyang ipagpatuloy ang kanyang career sa Pilipinas, nagdesisyon si Janine na magtungo ng Amerika upang  mag-aral at saka niya ipinagpatuloy ang kanyang international fashion career. Katunayan, naka-pirma siya sa MSA Models, isa sa mga kilalang talent agency sa America.

Si Janine ay isang licensed pharmacist na nagtapos ng pag-aaral sa University of Santo Tomas and graduated cum laude.  In the same university ay   hinirang  siyang  Miss Pharmacy at Miss Thomasian in 2010.

Si Janine ay rumampa na sa multiple fashion shows sa Amerika at meron na rin siyang mga product endorsements tulad ng Wells Fargo at Walmart ganoon din ang Victoria’s Secret Pink, ang iconic fashion brand’s line for college women.
    
Nung 2017 ay kasama rin si Janine na rumampa sa New York Fashion Week kung saan din nakasama ang dalawa pang Filipina beauty queens-models na sina Valerie Weigman at Stephanine Retuya.