Jasmine babalik na ang ningning

March 22, 2019
Jasmine Curtis
Jasmine Curtis

TIYAK na proud na proud ngayon si Anne Curtis sa nakababata niyang kapatid na si Jasmine Curtis-Smith dahil sa husay nitong ipinakita sa pilot episode ng teleseryeng “Sahaya” ng GMA 7 na nagsimulang mapanood noong Lunes ng gabi.

Matagal-tagal na rin kasing hindi napapanood si Jasmine sa pelikula o teleserye, kaya’t nag-aalala ang kanyang mga tagahanga na tuluyang makalimutan siya ng viewers.

Sa huling teleseryeng ginawa niya sa Kapamilya network, ang “Dolce Amore”, halos hindi siya napansin.

Pero sa unang eksena pa lamang niya sa “Sahaya,” agad naalala ng mga manonood ang husay at ang napakaganda niyang mukha. Marami tuloy ang nagtanong kung paano siya humusay nang ganito. Nakatulong marahil ang matagal niyang ‘bakasyon’ at na-challenge siya nang husto.

Napakahalaga ng role ni Jasmine bilang isang babaeng Badjao na gustong iangat ang sarili para sa kapakanan ng kanyang lahi.

Kawawang-kawawa ang kanyang mukha sa eksenang tinakasan niya ang isang napakasakit na karanasan nang iwan siya ng kanyang kasintahan.

Napilitan siyang magpakasal sa isang lalaking hindi niya mahal. Pero natuklasan agad na buntis pala siya sa dating karelasyon.

Sa labis na kahihiyan, tumakas siya sa sa kanilang bayan at mag-isang hinanap ang sariling kapalaran.        Dahil sa mahusay na pagganap, muling pinatunayan ni Jasmine na kaya niyang ibalik muli ang unti-unting nawawala niyang ningning at wala sa anino ng mas sikat (not necessarily mas mahusay) na kapatid.