Jasmine may project agad kahit ’di nag-click ang una

January 16, 2019
Jasmine Curtis

HINDI man tumagal sa ere ang unang TV series na sinamahan ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith sa GMA, ang “Pamilya Roces” (October to December 2018), may follow-up project kaagad ang young actress.

This time ay makakasama siya sa bagong teleserye ng Kapuso Network na pangungunahan ng magka-loveteam na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali, ang “Sahaya” kung saan makakasama rin sina Migo Edecer, Ash Ortega, Pen Medina, Ana Roces, Zoren Legaspi mula sa direksiyon ng mahusay na film director na si Zig Dulay.

Ang “Sahaya” ay follow-up project nina Bianca at Miguel sa kanilang successful TV series na “Kambal Karibal” na tinampukan din ni Kyline Alcantara at dinirek ni Don Michael Perez.  Ang nasabing serye ay tumagal sa ere ng siyam na buwan mula November 27, 2017 hanggang August 3, 2018.