Jasmine, naaaning sa lockdown

April 25, 2020
Jasmine Curtis-Smith

GAYA ni KC Concepcion, challenging para sa Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith ang kasalukuyang enhanced community quarantine dahil nag-iisa siyang nakatira ngayon sa bahay.

Ang pamilya niya, kabilang ang kapatid na si Anne Curtis, ay nasa Australia at hindi makauwi.

Ikinuwento ni Jasmine kung paano siya nagku-cope sa sitwasyon sa isang interview sa GMA, “If I can be honest, nitong last weekend, medyo umiikot na 'yung utak ko, anxiety started na parang 'pag mag-isa ka, 'yung challenge is mabato ka sa pagiging mag-isa mo, that definitely sparks anxiety and loneliness.”

Dagdag niya, habang tumatagal ay lalo niyang nami-miss ang mga mahal sa buhay.

Sa ngayon, inaaliw na lamang daw niya ang sarili sa regular na pakikipag-usap sa mga kaibigan at relatives.

Tigil pa rin ang taping nila Jasmine sa kinabibilangang PH adaptation ng hit na “Descendants of the Sun,” kung saan siya ay gumaganap bilang si Moira.