Jason, Sunshine share their piece about issues

July 29, 2020
Jason Abalos

JASON Abalos started it all when he was annoyed by Presidential spokesman Harry Roque that Pres. Duterte was just joking about corona virus. He wrote in his social media account: “Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa virus, tapos may panahon pa kayong mag joke?  Pagbabago ang ginusto ko nang binoto kita hindi panggagago!”

Now several other celebrities expressed their dissatisfaction in their own accounts. Here’s Sunshine Dizon on Facebook: “Matagal na rin ako nanahimik. Sabi ko, kung wala magandang sasabihin, manahimik na lang, pero mas malaking kasalanan ang mag bulag-bulagan kung alam mo nang hindi na tama.

“Marami akong kaibigan na hindi ko na siguro magiging kaibigan pag katapos nito pero ayos lang kasi ibig sabihin hindi talaga sila kaibigan. Bago nyo ako husgahan at tawaging bobo gaya ng iba dyan na ang huhusay at ang lalakas ng loob magmaliit ng kapwa nilang Pilipino, kahit wala naman sila ni singkong nai-ambag para sa kultura at bayan. Oo, hindi po ako abogado, pero marunong po akong magbasa at marunong din akong umintindi.

“Gusto ko pong mamuhay sa Pilipinas kasama ng aking mga anak, pamilya at mga kaibigan ng payapa at walang takot na may mga tao na matatas at makapangyarihan na pwedeng abusuhin ang batas na dapat ay poprotekta sa ating lahat.

“Gusto ko pong mamuhay na walang takot na ako ay pwedeng mapag susupetyahang terrorista dahil nilabas ko lang ang aking mga saloobin o akoy sumali sa isang protesta.

“Hindi tamang mawalan tayo ng boses at karapatang pumuna kapag tayo ay may mga mali nang nakikita.

Gusto kong lumaki ang aking mga anak sa ating bayan na malayang makakapagpahayag ng kanilang saloobin, rerespetuhin ang kanilang karapatang pantao.

“Sumasang-ayon ako sa batas na magpo-protekta sa ating lahat laban sa terrorismo, pero hindi ako sang- ayon sa batas na hindi malinaw na posibleng maabuso sa mga kamay ng mga taong nakatataas at makapangyarihan na pansariling pakinabang lang ang uunahin.

“Araw-araw tumataas ang bilang ng may mga sakit dahil sa covid. Nasaan na ang kongkretong plano para sa bayan? Wala pa rin mass testing. Pero nagawang ipasara ang Abs-Cbn at tanggalan ng hanap buhay ang higit sa 11,000 na pamilya. 

“Nagawa ang ANTI-TERROR BILL. Paano at ano pa ang mga pwede nilang gawin ngayong ito ay naisabatas na? Wag na tayong magbulag-bulagan. Kailangan nating ipaglaban ang ating kalayaan at protektahan ang ating karapatang pantao.”