JC pakakasalan na ang ka-live in ngayong taon  

April 13, 2020
JC de Vera and Rikka Alyssa Cruz

THIRTY-four-year-old Kapamilya actor and entrepreneur  JC de Vera is set to marry his fiancée Rikka Alyssa Cruz, the mother of his two-year-old daughter, Lana Athena, this year.

Pero hindi pa sila nagbibigay ng detalye.

Ang iba pang engaged couple na nakatakdang ikasal sa taong ito include  Angel Locsin at Neil Arce, KZ Tandingan at TJ Monterde gayundin sina Alex Gonzaga at Mikee Morada.

Samantala, alam ba ninyo na kung hindi pinasok ni JC ang showbiz ay malamang na isa na itong basketball star ngayon?

Si JC ay inalok ng basketball scholarship ng Colegio de San Juan de Letran matapos siyang grumadweyt ng high school sa Colegio de San Agustin in Makati.  Pero sa halip na tanggapin ang alok ng Letran ay mas pinaboran niya ang pagpasok sa showbiz nung 2003.  Nagpatuloy naman siya sa college sa Ateneo de Manila University.

Mula 2003 hanggang 2010 ay nasa pangangalaga siya ng GMA at nung 2010 ay lumipat naman siya sa TV5 kung saan siya namalagi sa loob ng tatlong taon ay nung 2013  ay lumipat siya ng Kapamilya network.

Last Sunday, April 12 and Easter Sunday ay simpleng idinaos ng mag-asawa ang ikalawang kaarawan ng kanilang daughter na si Lana sa kanilang bahay dahil sa lockdown.