Jennylyn bagong Tita at beshie ng netizens

July 31, 2020
Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

MAY kakaibang kasiyahan ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa pakikipag-usap sa netizens sa Twitter . In fact, “Bessie” na ang tawag sa kanya ng fans online.
 
Very active si Jen sa pag-reply sa mga follower niya at nagpapaturo pa siya ng mga slang na hindi niya maintindihan sa social media platform dahil baguhan lang daw siya at aminadong "tita" na pagdating sa ganitong usapan.

Mas marami ngayong oras makipag-bonding si Jennylyn sa pamilya at fans habang hindi pa nagbabalik-taping ang 'Descendants of the Sun PH.’ 

Sa mga gustong i-follow ang Kapuso star sa Twitter, hanapin lang ang kaniyang username na @MercadoJen.