Jennylyn at Dennis, nag-ala Walter and Jesse ng 'Breaking Bad'

April 17, 2020
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo

HABANG nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila, nagbigay ang couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ng panibagong kaaaliwan ng netizens sa kanilang latest Japan vlog. Dahil restricted pa rin ang mga travels dahil sa banta ng COVID-19, nagbalik-tanaw naman sina Jennylyn at Dennis sa kanilang masayang Halloween party sa Japan last November. 

Sa vlog ni Jen na in-upload niya sa kanyang growing YouTube channel, sinubukang hanapin ng dalawa ang best ramen sa Shibuya pati na rin ang masayang Halloween party na kanilang sinalihan. Imbes na gasgas na Halloween characters, nag-ala Walter White at Jesse Pinkman sina Jennylyn at Dennis na mga karakter mula sa kanilang favorite American series na Breaking Bad. Dahil balot ng yellow hazmat suit at mask si Jennylyn tila kinilig naman ang mga nagpapa-picture sa kanyang babae na walang ideya na ang magandang aktres ang nasa ilalim ng costume. 

Naaliw naman ang mga netizens sa kwelang Japan trip ng dalawa. Samantala, balik-telebisyon naman si Dennis sa pagbibidahan nitong GMA series na Legal Wives kasama sina Alice Dixson, Megan Young, at Bianca Umali. Habang tigil muna sa taping ang Descendants of the Sun nila Jennylyn ay mapapanood pansamantala ang rerun ng Encantadia sa timeslot nito.