Jennylyn, Dennis nagpaabot ng tulong sa maysakit 

August 06, 2020
Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

ISANG senior citizen na na-stroke mula sa Santo Tomas, Davao ang tinulungan ng Kapuso couple na sina Drama King Dennis Trillo at Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Base sa Facebook post ng anak ng maysakit si Jean Pearl Tangaro, nagpadala ng pera ang Kapuso stars sa kapatid niyang si Bernsky Bergante Tangaro para pambili ng gamot, prutas, at iba pang pagkain ng kanilang ama.

Pagbabahagi niya, “Thank you, Ma'am Jennylyn Mercado and Sir Dennis Trillo for extending your help through our ate Bernsky Bergante Tangaro. It's such a big help, you're an angel sent from above.. Dahil sa inyo, nakabili po si Papang ng gamot, prutas at mga pagkain. Hindi po mapapantayan ang mga ngiti na nasilayan namin sa kanyang mga labi.. I know po na always kayong i-be-bless ni Lord dahil you're such an amazing person, beautiful and handsome inside and out. Sana po marami pa kayong matulungan. Stay safe po kayo palagi. Godbless and we love you both.”

Kwento pa ni Pearl, thankful sila sa Panginoon dahil may mga mabubuting tao pa rin na handang tumulong sa panahon ng pandemya. Maging ang kanilang ina ay nagpaabot ng pasasalamat kina Jennylyn at Dennis sa tulong na ibinigay nila para sa pagpapagaling ng kanyang asawa. 

Samantala, napapanood si Dennis sa rerun ng My Husband’s Lover tuwing Linggo ng gabi sa SNBO.