Jennylyn Mercado muntik nang hindi maging artista

April 23, 2020
Jennylyn Mercado
Jennylyn Mercado

SA isang interview, inamin ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado na ang late adoptive mother niyang si Mommy Lydia ang pumilit sa kanya na mag-audition sa StarStruck. 

Kuwento ni Jen, "May nakakita sa 'kin sa salon, inabutan ako ng card so tinanggap ko pero parang sabi ko, hindi ko kayang umarte kasi iba 'yung buhay ko saka mahiyain ako. Kanta lang 'tapos nag-aaral lang ako gano'n. Parang 'di ko kayang umarte, 'di ko kayang sumayaw, mag-host."

Nang sabihin niya kay Mommy Lydia, nagalit daw ito sa kanya, "Sinabi ko sa nanay ko, nagalit sa 'kin. Sabi n'ya, 'ano ka ba? Bakit mo pinapalampas 'yang gano'ng mga opportunity? Parang sapilitan na dinala n'ya 'ko sa GMA para mag-audition."

Dagdag ng ‘Descendants of the Sun’ lead actress, hanggang audition day daw ay gusto niyang mag-back out, "Lima lang kami o anim, umiiyak na 'ko no'n kasi sabi ko, 'Ma, ayoko talaga 'to. Sabi n'ya, 'gawin mo 'tong audition,' hanggang sa nakapasok ako sa StarStruck."

Sa huli, itinanghal si Jen bilang First Ultimate Female Survivor ng StarStruck noong 2004. Kung nagkataon sinunod niya ang kanyang sarili, walang Jennylyn Mercado na isa sa pinakamaganda at pinakamahusay na aktres ng henerasyong ito.