Jenzel abala sa milk tea home business

August 16, 2020
Jenzel Angeles
Jenzel Angeles

HABANG hindi pa nagbabalik-taping, naging abala muna sa milk tea business ang Kapuso actress na si Jenzel Angeles. “Before quarantine, dapat mag-o-open kami ng mga friends ko ng milk tea shops sa Lucban, kaso naabutan kami ng lockdown. So ang nangyari, nagde-deliver na lang kami dito sa Laguna, dito malapit sa 'min,” kuwento niya.

Bukod kasi sa patok ang milk tea, ito raw ang paboritong inumin ng pamilya niya. Saad ng ‘Descendants of the Sun’ actress, "Before pa kami magkaroon ng milk tea business, gumagawa na talaga kami ng milk tea dito sa bahay kasi marami kaming magkakapatid. And then 'yung pinakamalapit na milk tea shop dito mga 10 to 20 minutes ang layo, so ang nangyayari kailangan pa namin bumiyahe para mag-milk tea. Kaya ang ginagawa namin, dito na lang kami gumagawa sa bahay since ang dami rin naman namin."

Samantala, habang hindi pa nagbabalik-taping ang cast ng DOTSPh, bisitahin lang ang official Facebook page ng programa para sa updates at activities ng cast. Maaari ring bisitahin ang gmanetwork.com/GETS or GMA Entertainment Shows Online para sa exclusive news and content ng inyong paboritong Kapuso shows.