Jericho at misis, close sa ex at sa anak

July 27, 2020
Kai Palomares and Santino Rosales

MAITUTURING na modern family ang close relationship  ng mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones sa ex-girlfriend ng Kapamilya actor na si Kai Palomares at sa kanilang 19-year-old son na si Santino Rosales.

Very close ang mag-inang Kai at Santino ngayon sa mag-asawang Jericho at Kim at may pagkakataon pang  kumakain silang apat na magkakasama sa ilang pagkakataon.

Supportive din sina Jericho at Kim sa itinayong restaurant ng mag-inang Kai at Santino sa Paranaque, ang Kaisant (pinagsamang pangalan nina Kai at Santino) na magkatulong na pinamamahalaan ng mag-ina na very hands-on sa pagpapatakbo nito.

Since wala pa namang pasok sa school, Santino devotes his time sa kanilang restaurant with his mom and he hopes to open his own franchise of Kaisant sa isang taon.

Samantala, hindi ikinahihiya ni Santino na tawagin siyang mama’s boy dahil super close daw talaga siya sa kanyang mom na mag-isa siyang itinaguyod.  Hindi raw niya ma-imagine ang kanyang sarili na wala ang kanyang mom sa kanyang buhay.

Kung makakahanap umano siya ng mga katangian ng kanyang mom sa babaeng mamahalin niya in the future ay magiging masaya umano siya.

“I know that it is hard to set a standard of what kind of girl I want to be with someday. But I hope that I can find one like my mom,” pahayag ng 6 footer son ni Jericho Rosales  who is turning 20 in December.