Jericho's son Santino on his own

May 21, 2020
Santino Rosales
Santino Rosales

JERICHO Rosales and his Australian wife model na si Kim Jones celebrated their 6th wedding anniversary last May 1 pero hanggang ngayon ay wala pa ring baby ang mag-asawa.  But Jericho has a 19-year-old son sa kanyang ex-girlfriend former model na si Kai Palomares na si Santino Rosales.

Speaking of Santino, he co-ventured with his mom sa isang restaurant na kanilang itinayo sa Paranaque  City, ang Kaisant: Skews and Brews na nagsi-serve ngayon ng take out and delivery service sa gitna ng coronavirus pandemic.

Ayon sa teen-age son ni Jericho, pangarap daw talaga niyang magkaroon ng business bago man lamang daw siya magpaalam sa pagiging teen-ager at ito’y natupad sa pamamagitan ng kanilang joine venture ng kanyang mom.

Proud dad naman si Jericho sa kanyang kaisa-isang anak dahil kahit bata pa ay inisip na nito ang pagpasok sa negosyo bilang paghahanda na rin sa kanyang future.

Bukod sa kanyang pag-aaral ay isa ring model si Santino at sinundan ang yapak ng ina sa halip na mag-showbiz tulad ng kanyang ama.

Si Santino ay miyembro ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP). Ang kanyang pagmu-model ay kanyang sinimulan two years ago when he turned 17.