Jessa, bagong Beautederm baby ni Rhea

June 20, 2020
Jessa Zaragoza

ISINASARA ng Beautéderm Corporation ang ikalawang quarter ng taon sa pmamagitan ng isang bonggang treat habang opisyal na sinasalubong ang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza bilang pinakabagong bahagi ng stellar line-up of celebrity brand ambassadors.

Dalawang taon nang loyal user si Jessa ng mga FDA Notified products ng Beautéderm na consistent recipient din ng Superbrands award.

Naghahanap ng quality line of products si Jessa nu’ng nasa late 30s siya -- mga produktong mapagkakatiwalaan niya sa pagme-maintain ng youthful glow ng kanyang balat, lalo na nu’ng malapit na siyang mag-40.

Doon niya unang nakilala ang Beautéderm sa pamamagitan ng mga passionate testimony ng mga kaibigan sa industriya.

“Sobrang dami nang magagandang kuwento ang narinig ko tungkol sa Beautéderm kaya bumili ako ng skin set nila na talagang sikat na sikat. Gusto kong subukan ’yung product at nakakita ako agad ng positive results. Na-in love na ako sa Beautéderm.

“Nirerekomenda ko ang brand sa bawat working mom in her 40s. Busy man tayo sa trabaho at sa pag-aalaga sa ating mga pamilya, importante pa rin na alagaan natin ang ating sarili gamit ang mga produktong pinagkakatiwalaan natin,” sabi ni Jessa.

Sobra nga siyang naniniwala sa brand kaya naman todo ang pagpo-promote niya sa Beautéderm sa kanyang social media platforms hanggang sa maging kaibigan na niya ang presidente at CEO ng kumpanya,  si Rhea Anicoche-Tan.

“Nagsimula ako bilang radio DJ after college at isa si Jessa sa mga pinakasikat na OPM artist noon. Fan ako ni Jessa at ang saya ko to connect with her, especially when I learned that she is a loyal Beautéderm user at super happy ako that she is now part of the family.”  

Maliban sa skin set, ang iba pang paborito ni Jessa ay ang Knee & Elbow Whitening Cream, Purifie Facial Wash, Beauté Tint, Beauté Balm at Air and Fabric Freshener ng Beautéderm Home.

“When I do endorsements, mahalaga na naniniwala ako sa brand at sa mga produkto nito. It is a brand that I am proud to recommend, especially to my loved ones, to my fans and to mothers like myself who are looking for effective, quality beauty products na, siyempre, hindi mabigat sa bulsa. Maligaya ako at na-diskubre ko ang Beautéderm at  proud akong makipag-partner sa kanila,” sabi ni Jessa.

Para sa karagdagang updates ukol kay Jessa Zaragoza at sa Beautéderm, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram, i-like ang Beautéderm sa Facebook at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.