Jewel nanganak sa second baby

April 08, 2020
Jewel Mische

NAGSILANG ng kanyang second baby ang Starstruck alumna na si Jewel Mische at ng kanyang American husband na si Alister `Alex’  Kurzer.  Baby girl muli ang isinilang ni Jewel last April 3 sa Michigan, USA na kanilang pinangalanang Emerald Kurzer.  Ang kanilang panganay na si Aisiah Rose ay magtu-two years old sa darating na July 12.

Sina Jewel at Alister got engaged in October 2014 at nagpakasal sa Michigan, USA (kung  saan sila ngayon naka-base)  nung February 28, 2015.

Bago nakilala ni Jewel si Alister ay si Richard Gutierrez ang kanyang huling naging kasintahan.  Richard, as we all know, ay kasal na sa actress na si Sarah Lahbati at meron na rin silang dalawang anak na parehong lalake na sina Zion at Kai.

Si Jewel ang tinanghal na Ultimate Sweetheart ng reality talent search na Starstruck ng GMA nung 2007.  Nakagawa ito ng ilang TV series sa Kapuso Network bago lumipat ng Kapamilya Network.  Nasa bakuran na siya ng ABS-CBN nang kanyang makilala si Alister and eventually maging mister.