Jillian may sarili na ring gaming channel

August 17, 2020
Jillian Ward

MAY sarili nang gaming channel ang 'Prima Donnas' star na si Jillian Ward. Nahilig kasi sa paglalaro ng online games ang aktres habang naka-quarantine sa bahay.

Wala pang isang linggo nang ipakilala niya ang 'Jillian Ward - Gaming' Facebook page, umabot na agad sa 22,000 ang followers niya. Ini-upload din niya ang kauna-unahan niyang game live streaming noong August 7, at as of this writing, nakakuha na ito ng mahigit 50,000 views.

Samantala, excited na ang fans ni Jillian sa pagbabalik-telebisyon ng 'Prima Donnas' sa GMA Afternoon Prime simula kahapon, Lunes, August 17.