Jimuel at Heaven tanggap na ng pamilya

March 27, 2019
Heaven Peralejo and Jimuel Pacquiao
Heaven Peralejo and Jimuel Pacquiao

KINUMPIRMA na nina Emmanuel ‘Jimuel’ Paquiao, Jr. at ang ex-PBB housemate at Kapamilya young actress na si Heaven Peralejo ang kanilang relasyon.  Si Jimuel ay 18 at 19 naman si Heaven.

Si Jimuel ay panganay sa limang anak ng boxing hero na si Sen. Manny Pacquiao at misis nitong si Jinkee Pacquiao.  Ang apat pang mga nakababatang kapatid ni Jimuel ay sina Michael, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Tulad ng kanyang ama, pinasok na rin ni Jimuel ang boxing na may pahintulot ng kanyang parents.

Sina Jimuel at Heaven ay aksidenteng nagkita sa Greenbelt shopping center in Makati may dalawang taon na ang nakakaraan at nagpakuha pa umano ng picture with Heaven si Jimuel at mga pinsan nito.  A year later, muling nagkita sina Jimuel at Heaven in the same place and same month and from then on ay doon na nagsimula ang panliligaw ng binata ni Pacman sa pamangkin nina Rica at Paula Peralejo.

Tanggap si Heaven ng pamilya ni Jimuel.  Katunayan, naisasama na rin ang young actress sa ilang lakad ng pamilya Pacquiao.

Supportive umano si Rica sa ina-aspire na pagiging boksingero ni Jimuel at gayundin si Jimuel sa showbiz career ni Heaven.

Speaking of Heaven, produkto rin siya ng isang broken family.  Nagkahiwalay ang kanyang parents due to long-distance relationship.  Heaven’s mother was diagnosed of uterus cancer in  February 2015 at siya ang tumutulong sa medical expenses ng kanyang ina.