JK itinangging buntis si Maureen

May 20, 2020
JK Labajo and Maureen Wroblewitz
JK Labajo and Maureen Wroblewitz

NATAWA na lamang ang magkasintahang JK Labajo at Maureen Wroblewitz sa balitang buntis umano ang huli. Gayunman, hindi nila ikinakaila ang kanilang relasyon na nagsimula in 2018.

JK who is Juan Karlos Labajo ay ang 19-year-old Filipino-German singer-songwriter, musician and actor na isinilang sa Cebu na may malungkot na pinagdaanan.

He was still a baby nang iwan siya kasama ng kanyang inang si Maylinda Labajo ng kanyang German dad. Sumakabilang-buhay ang kanyang ina when he was 12 dahil sa kanser. Naiwan si JK sa pangangalaga ng kanyang grandmother na si Linda at tiyuhing si Jiovanni.  Dahil sa hirap, naranasan ni JK ang mamulot ng mga junk para magkapera.  Naranasan din niyang ma-bully sa school dahil sa kanyang foreign features.

He was 13 nang siya’y mag-audition sa unang season ng “The Voice Kids – Philippines” where he placed third.  During the competition, nanghingi ang kanyang Lola Linda ng tulong sa ilan nilang  mga kababayan for financial help at isa  sa kanyang nilapitan ay ang  governor noon  ng Cebu na si Hilario Davide III na nagbigay ng P100.